MGA KALULUWA NG SANGGOL - Multuhan-ph

Dpressd no0n c wilma. Obviously,may mlaki xang problma at hndi nya lm exctly ang g2wn para matksan ang problmang iy0n. Shes bin c0ntemplating to get rid of da problem by taking her life,but she ws t0o weak 2 do it. On dat eve of da halLoweEN,wilma decided to take acti0ns. She went 2 dis doctor. Yes,mgpapalaglag c wilma. 2 m0nths n syang buntis at hndi p sya hnd s resP0nsbldad. Da father of her baby ay isa ng married guy n my pmilya. Wilma askd her doctor to do it fast.


Nangako nman ang d0ctnq n ilng sndali lng at mwawala n ang knyang pr0blema. Wyl she was lying on dat bed, at nghi2ntay s muling pgbblik ng d0ctor at ng assistant n2, wilma heard a peculliar n0ise c0ming fro. da wind0w s knyang ulu6. Parang mga dgang kumakaluskos ang knyang nari2ng. Nakaka irita! Napabng0n c wilma at lmakad plpit s naturang bntana. Nang clpin nya ang kumakaluskos, laking gulantang nya! Nkta nya s baba ng bintana, mga fetus n naguunahang mkaakyat para mkpas0k s bntana.


Parang mga hyop n knukutk0t ang sement0ng frame ng bntana. Naguunahan! Npasgaw c wilma sknyang nkta! Nang dmating ang d0ctor,Nangako nman ang d0ctnq n ilng sndali lng at mwawala n ang knyang pr0blema. Wyl she was lying on dat bed, at nghi2ntay s muling pgbblik ng d0ctor at ng assistant n2, wilma heard a peculliar n0ise c0ming fro. da wind0w s knyang ulu6. Parang mga dgang kumakaluskos ang knyang nari2ng. Nakaka irita! Napabng0n c wilma at lmakad plpit s naturang bntana.


Nang clpin nya ang kumakaluskos, laking gulantang nya! Nkta nya s baba ng bintana, mga fetus n naguunahang mkaakyat para mkpas0k s bntana. Parang mga hyop n knukutk0t ang sement0ng frame ng bntana. Naguunahan! Npasgaw c wilma sknyang nkta! Nang dmating ang d0ctor,Itinuro nya ang bntana, ngunit wla n ro0n ang mga fetus n knyang nkta. Putlang putla sya. Tnan0ng sya ng doctor kung gus2 p nyang i2loy ang pgpapalaglg. No0n ngdesisy0n c wilma. Isang mhlgang desisy0ng b2go s knyang buhay.


I22loy nya ang pgbu2ntis. Umalis c wilma ng clinic m iy0n, wid relief! The ghost of da fetuses dat shd saw gave her a sudden realizati0n. Later on, we f0und out n do0n pla inilibing ng doctor ang mga fetus n nku2ha s cnapu2nan ng mga pasyenteng lmlapit d2. Do0n s bkuran n mlpit s bntanang iy n. Do0n nkahukay ang pgkarami raming bngkay ng fetus. Hinuli rn ng mga pulis ang d0ctor 4 doing illegal ab0rti0ns.. Ngy0ng ay 4 yrs okd m ang anak n wilma. At msya c wilma s gnwa nyang desisy0n. Salamat s mga kalu2wa ng sanggol n ngpgkta sknya. .
READ MORE - MGA KALULUWA NG SANGGOL - Multuhan-ph

SUKOB SA TAON - Multuhan-ph

LIMANG taon nang magkasintahan sina Luis at Wilma. Sa loob ng limang taong iyon ay matiyagang hinintay ni Wilma kung kailan siya aayain ng kasal ng kasintahan. "Ano ba ang balak mo sa ating dalawa?Ganito na lang tayo habang buhay?" inis na ang dalaga. "Alam mong ako ang tumatayong padre de pamilya sa amin.Hindi maaaring basta ako mag-asawa," paliwanag ni Luis. "Paano naman ako?.. Tayo?" ibig maiyak ni Wilma. Napatungo si Luis.Naawa siya sa nobya pero wala siyang magawa.


Padabog na tumayo si Wilma.Pigil ang luhang hinarap ang binata.Sa pagkabigla ni Luis ay hinubad ng dalaga ang engagement ring. "Tinatapos ko na ang lahat.Kanya-kanya na tayo!" Labis na dinamdam ng dalaga ang pambabalewala ni Luis sa damdamin.Ang huling nalaman ng binata ay sumama na itong makipag-date sa isang kaopisina na matagal ng may gusto sa babae.Unang pagkakataon mula nang maging magnobyo sila na ginawa iyon ni Wilma.Natakot si Luis.


Maaaring mawala sa kanya si Wilma kapag hindi siya nagdesisyon. Pinuntahan niya ang nobya isang gabi. "Pakasal na tayo," sabi ni Luis ng walang liguy-ligoy. "Hwag mo akong biruin," galit pa rin ang tono ni Wilma. "Seryoso ako.Ayokong sa pagrerebelde mo sa akin ay mapunta ka sa lalaking hindi mo gustO. Ganon lang kadali.Sumunod ay ang pamamanhikan.Ng matapos ang araw na iyon ay naitakda ang kanilang kasal sa unang linggo ng darating na buwan.


Bagamat hindi handa sa pag-aasawa ay naging magaan ang loob ni Luis.Mahal niya si Wilma. Simple lang ang naging pag-iisang dibdib nina Luis at Wilma bagamat lumakad sila sa simbahan. Kahit labag sa loob,pumayag si Wilma na pumisan sa pamilya ni Luis.Dahil walang kahandaan sa pag-aasawa ay walang ipon ang lalaki.Ayaw naman ni Luis na ang kaunting ipon ni Wilma ang kanilang gastusin.Anito ay para sa babae iyon sakaling magkaroon ng emergency. 2 linggo makaraan ang kasal,dumating ang problema.


Isang gabi ay may dumating na 2 lalaki kina Luis. Nalaman nila na nabuntis ng bunsong si Jun ang nobyang si Greta.Ayaw pumayag ng mga magulang ng babae na hindi makasal ang dalawa kaya pinapunta ang mga tiyo nito sa kapwa militar. Gayon na lang ang takot ng mga magulang ni Luis.Baka raw kung ano ang gawin kay Jun. Ilang linggo mula noon,ikinasal si Jun kay Greta. Nagamit ang emergency money ni Wilma,nangutang si Luis sa opisina at nanghiram din sa five-six ang ina nilang si Aling Lolita para hindi mapahiya. "Naku,sukob pala kayo sa taon ng bayaw mo at ngayon kasabay ka pang nagbubuntis ng hipag mo."sabi ni Sonia,kaopisina ni Wilma.Ikinuwento kasi niya sa babae na buntis na siya. "Dapat ay maging handa ka sa mangyayari.Hindi biro ang maging sukob sa taon,"takot na paalala ni Sonia. PUTOL ang maliliit na mga kamay lumalakad. Tila may isip na alam kung saan pupunta. Tumigil ang mga kamay sa tapat ng kama nina Luis at Wilma. Umakyat. Nang tumapat sa tiyan ni Wilma ay tumigil.


Pagkatapos ay dinaklot nito ang tiyan ng babae.Ang matutulis na mga kuko ay bumaon sa tiyan hanggang maabot ang sanggol doon.Ang walang kalaban-labang sanggol ay tinusok ng matutulis na kuko hanggang mapiga at bumulwak ang dugong lumunod dito.Pagkatapos,si Wilma naman ang binalingan,tinusok ang leeg.Sumisigaw na napabalikwas ang sindak na si Wilma,hawak ng 2 kamay ang tiyan.Kapanabay niya halos bumangon si Luis na nahintakutan sa lakas ng tili ng asawa. "May kamay..May kamay!"


habol ang hininga na sambit ni Wilma.Pinayapa ni Luis ang babae pero umurong din ang dila niya nang makita ang bakas ng duguang mga kamay sa damit ng asawa.Isinugod sa ospital si Wilma pero huli na.Namatay si Wilma.Maging ang mga doktor ay hindi maipaliwanag kung ano ang nangyari.Gayon na lang din ang ang gulat nila nang makuha nila ang sanggol dahil pira-piraso ito na parang ginutay ng matulis na kuko.


Walang eksplanasyong makapagbigay ng lohikal na dahilan kung ano ang nangyari sa mag-inang Wilma.Hindi makausap si Luis sa tindi ng trahedyang dumating sa buhay. Lumipas ang mga araw.Isang umaga ay tumawag si Jun sa mga magulang.Isinugod raw si Greta sa ospital at manganganak na.Sumugod sa ospital si Aling Lolita.."Kamusta na si Greta?" salubong ni Aling Lolita ng makita si Jun.."Nasa labor room pa rin ho," nag-aalala ang anyo ng lalaki.


"Natatakot ako,'nay. Bka magaya sya kay Ate Wilma." "Bakit mo naman iniisip yon.Iba ang kaso ni Wilma,iba ang kay Greta." "Paano kung.. Inay,sukob kami sa taon." Natigilan si Aling Lolita.. Maghapon at magdamag ng naghihirap sa pagli-labor si Greta ay tila wala pa rin kasiguruhan kung magsisilang na sya. "Doktora,hirap na hirap na ako," umiiyak na daing ni Greta. "Tulungan mo ako." Sa huli ay nagpasya ang obstetrician nito na i-cesarian ang babae.


Ipinaliwanag ng doktora kay Jun,kay Aling Lolita at sa mga magulang ni Greta na wala na siyang pagpipilian kundi ang operahan si Greta. Anang doktora ay unti-unti nang humihina ang resistensya ng babae dahil sa tagal ng pagli-labor nito.Naging malaking usapan sa ospital na iyon ang panganganak ni Greta. Walang hindi nasindal nang biyakin ang tiyan ng babae at makuha mula roon ang 2 kamay ng isang sanggol na may matutulis na mga kuko.Wala ng buhay ang mga kamay ng kunin ng doktora mula sa tiyan.Si Greta,katulad ni Wilma ay namatay rin matapos manganak. At hanggang ngayon ay malaking palaisipan kung ano ang misteryo ng pagkamatay ng maghipag na ikinasal ng sukob sa taon..
READ MORE - SUKOB SA TAON - Multuhan-ph

MAY SUMPA ANG WHEELCHAIR - Multuhan-ph

"Kailangan ni Mommy ng wheelchair....nahihirapan siyang lumakad papuntang hospital" si Neil, ang panganay sa pamilyang Perez. May sakit ang mommy nito, cancer of the breast."Sige, id try na humiram na lang sa friend ko..para di na tayo bibili" si Lynn, nakababatang kapatid nito.Nakahiram ng wheelchair ang dalaga sa kaibigan at agad itong iniuwi.."O ayan mommy, makkaupo ka na comfortably kapag sasamahan ka namin sa chemotherapy session mo"

Hindi umimik ang ina nito.Stage four na ang sakit nito..lingid sa lahat, nasasaktan si Lynn sa nangyayari."Bakit? Akala ko ay wala na ang tumor nung inoperahan siya. Bakit ngayon pa, kung kailan kasasara lamang ng negosyo nila daddy" walang humpay ang paghibik nito."Tumahan ka na, Lynn. Kakayanin natin ito. Alo ni Neil"

Nakaapat nang session ang mommy nina Lynn at Neil. Nang may biglang naaksidenteng matanda sa kapitbahay. Nahulog ito sa hagdan at tila nabalian ng buto."Dali, dalhin natin siya sa ospital!" sigaw ng isang kapitbahay...Hindi nagatubiling inilabas ni Neil ang wheelchair. Ginamit nila ito patungo sa sasakyan. Di nagtagal ang magdamag...namatay ang matandang iyon.Sa loob ng barangay hall ito inilagak, at doon marami ang mga kapitbahay na nakiramay.

Isa roon ang kamag anak ng nagmamay ari ng wheelchair na si Edwin. Lola niya ang tunay na may ari nito. Mahilig sa inuman at gabi gabi ay umiinom si Edwin kasama ang barkada.Nang matapos ang paglibing sa matandang namatay, ilang araw ang makalipas ay inatake sa puso si Edwin. Bukod sa panay ang inom nito ng alak gabi gabi ay lagi pang crispy pata at matatabang pagkain ang pinupulutan nito. Agad kumalat ang balita sa barangay pag asa."Kumusta si Edwin?" anang isang ale na nasa tindahan.

"Ayun nasa ospital, kritikal daw ang kalagayan" "Parang kailan lang masaya silang nagiinuman ng mga kaibigan niya!Ngayon heto.." "Hindi nga natin masasabi ang buhay..." anang isang miron na naroon.Pagkauwi ni Lynn mula sa eskuwela..."Lynn..wala na si Edwin, natuluyan na!" balita ni Neil.. "Ano? Bakit nagkaganon? Nung isang araw lang dumalaw siya kay mommy, hindi ba?" malapit na kaibigan ni Neil si Edwin.

Noon nga ay si Edwin na naman ang pinaguusapan sa buong barangay."Nagkataon lang yan" anang Olga, matandang dalaga na kapitbahay nina Lynn, noon ay naguusap usap sila sa lugar ng pinaglagakan ni Edwin."Hindi, bakit parehong nangyari?" anang isa."Masyado nang moderno ang panahon, maniniwala pa ba kayo sa mga bagay na ganito? di ba?" pagtatapos ni Olga.Nakalipas ang isang buwan.. "Mga kapitbahay! tulungan ninyo kami, inatake ang tiyo ko sa puso!" sigaw ni Olga.

Dali dali naman tumulong ang mga kapitbahay.."Neil, ilabas mo yung wheelchair, para mabilis na maihatid si Mang Isko sa sasakyan!" pakiusap ni Olga."O-oo!" Panay ang dalangin ng magkakapitbahay. Isang linggo ng lumipas."Wala na si tiyo Isko, Neil" si Olga."Huh?" Sa ngayon naman, ang tiyo ni Olga ang usap usapan."Kailangan siguro magsagawa na tayo ng misa sa lugar natin, hindi na maganda ang nangyayari rito" bungad ng kapitan barangay na si Mang Jose.Nagsagawa nga ng misa sa lugar na iyon.

Mapayapa naman ang buong barangay ng isang linggo.Makalipas ang isang buwan..."Lynn, dalhin na natin si mommy sa ospital..kung anu ano na ang binabanggit niya ..may nakikita siyang mga tao na di ko naman nakikita"si Neil."Oo kuya...mommy, hold on!" panay ang pag agos ng luha ni Lynn.Dinala nila sa emergency room ang ina. Nanatili ito ng 2 araw."Kayo ba ang anak ng pasyente?" anang doctor."Opo" "Ipapaalam ko na sa inyo na maliit na lang ang chance ng mom ninyo na mabuhay" saad ng doctor."Mommy!!?

impit na pagluha ni Lynn, nasa likod lamang si Neil at inaalo ang kapatid."Kailangan natin ng aparatong maikakabit sa kanya para pa siya makahinga" hiling ng doctor.Hindi nagdalawang isip si Lynn na magbayad para sa aparatong magdurugtong ng buhay sa kanyang ina. Ngunit kinabukasan ng hapon...Toot...........toot.........toot .............toot.Dirediretso na ang linya na magsasabing may hininga pa ang ina ni Lynn."Mommy!!!" sinubukan pa ng doctor na irevive ang ina nito..

ngunit wala na ring nangyari. matapos noon ay tinanggal ang aparato at tinakpan ang ina nito."Mommy....." May sumpa nga kaya ang wheelchair na iyon? Ano sa palagay ninyo? sA ngan ay isinoli na nila Lynn at Neil ang wheelchair..
READ MORE - MAY SUMPA ANG WHEELCHAIR - Multuhan-ph