"Kailangan ni Mommy ng wheelchair....nahihirapan siyang lumakad papuntang hospital" si Neil, ang panganay sa pamilyang Perez. May sakit ang mommy nito, cancer of the breast."Sige, id try na humiram na lang sa friend ko..para di na tayo bibili" si Lynn, nakababatang kapatid nito.Nakahiram ng wheelchair ang dalaga sa kaibigan at agad itong iniuwi.."O ayan mommy, makkaupo ka na comfortably kapag sasamahan ka namin sa chemotherapy session mo"
Hindi umimik ang ina nito.Stage four na ang sakit nito..lingid sa lahat, nasasaktan si Lynn sa nangyayari."Bakit? Akala ko ay wala na ang tumor nung inoperahan siya. Bakit ngayon pa, kung kailan kasasara lamang ng negosyo nila daddy" walang humpay ang paghibik nito."Tumahan ka na, Lynn. Kakayanin natin ito. Alo ni Neil"
Nakaapat nang session ang mommy nina Lynn at Neil. Nang may biglang naaksidenteng matanda sa kapitbahay. Nahulog ito sa hagdan at tila nabalian ng buto."Dali, dalhin natin siya sa ospital!" sigaw ng isang kapitbahay...Hindi nagatubiling inilabas ni Neil ang wheelchair. Ginamit nila ito patungo sa sasakyan. Di nagtagal ang magdamag...namatay ang matandang iyon.Sa loob ng barangay hall ito inilagak, at doon marami ang mga kapitbahay na nakiramay.
Isa roon ang kamag anak ng nagmamay ari ng wheelchair na si Edwin. Lola niya ang tunay na may ari nito. Mahilig sa inuman at gabi gabi ay umiinom si Edwin kasama ang barkada.Nang matapos ang paglibing sa matandang namatay, ilang araw ang makalipas ay inatake sa puso si Edwin. Bukod sa panay ang inom nito ng alak gabi gabi ay lagi pang crispy pata at matatabang pagkain ang pinupulutan nito. Agad kumalat ang balita sa barangay pag asa."Kumusta si Edwin?" anang isang ale na nasa tindahan.
"Ayun nasa ospital, kritikal daw ang kalagayan" "Parang kailan lang masaya silang nagiinuman ng mga kaibigan niya!Ngayon heto.." "Hindi nga natin masasabi ang buhay..." anang isang miron na naroon.Pagkauwi ni Lynn mula sa eskuwela..."Lynn..wala na si Edwin, natuluyan na!" balita ni Neil.. "Ano? Bakit nagkaganon? Nung isang araw lang dumalaw siya kay mommy, hindi ba?" malapit na kaibigan ni Neil si Edwin.
Noon nga ay si Edwin na naman ang pinaguusapan sa buong barangay."Nagkataon lang yan" anang Olga, matandang dalaga na kapitbahay nina Lynn, noon ay naguusap usap sila sa lugar ng pinaglagakan ni Edwin."Hindi, bakit parehong nangyari?" anang isa."Masyado nang moderno ang panahon, maniniwala pa ba kayo sa mga bagay na ganito? di ba?" pagtatapos ni Olga.Nakalipas ang isang buwan.. "Mga kapitbahay! tulungan ninyo kami, inatake ang tiyo ko sa puso!" sigaw ni Olga.
Dali dali naman tumulong ang mga kapitbahay.."Neil, ilabas mo yung wheelchair, para mabilis na maihatid si Mang Isko sa sasakyan!" pakiusap ni Olga."O-oo!" Panay ang dalangin ng magkakapitbahay. Isang linggo ng lumipas."Wala na si tiyo Isko, Neil" si Olga."Huh?" Sa ngayon naman, ang tiyo ni Olga ang usap usapan."Kailangan siguro magsagawa na tayo ng misa sa lugar natin, hindi na maganda ang nangyayari rito" bungad ng kapitan barangay na si Mang Jose.Nagsagawa nga ng misa sa lugar na iyon.
Mapayapa naman ang buong barangay ng isang linggo.Makalipas ang isang buwan..."Lynn, dalhin na natin si mommy sa ospital..kung anu ano na ang binabanggit niya ..may nakikita siyang mga tao na di ko naman nakikita"si Neil."Oo kuya...mommy, hold on!" panay ang pag agos ng luha ni Lynn.Dinala nila sa emergency room ang ina. Nanatili ito ng 2 araw."Kayo ba ang anak ng pasyente?" anang doctor."Opo" "Ipapaalam ko na sa inyo na maliit na lang ang chance ng mom ninyo na mabuhay" saad ng doctor."Mommy!!?
impit na pagluha ni Lynn, nasa likod lamang si Neil at inaalo ang kapatid."Kailangan natin ng aparatong maikakabit sa kanya para pa siya makahinga" hiling ng doctor.Hindi nagdalawang isip si Lynn na magbayad para sa aparatong magdurugtong ng buhay sa kanyang ina. Ngunit kinabukasan ng hapon...Toot...........toot.........toot .............toot.Dirediretso na ang linya na magsasabing may hininga pa ang ina ni Lynn."Mommy!!!" sinubukan pa ng doctor na irevive ang ina nito..
ngunit wala na ring nangyari. matapos noon ay tinanggal ang aparato at tinakpan ang ina nito."Mommy....." May sumpa nga kaya ang wheelchair na iyon? Ano sa palagay ninyo? sA ngan ay isinoli na nila Lynn at Neil ang wheelchair..
0 comments:
Post a Comment