LIMANG taon nang magkasintahan sina Luis at Wilma. Sa loob ng limang taong iyon ay matiyagang hinintay ni Wilma kung kailan siya aayain ng kasal ng kasintahan. "Ano ba ang balak mo sa ating dalawa?Ganito na lang tayo habang buhay?" inis na ang dalaga. "Alam mong ako ang tumatayong padre de pamilya sa amin.Hindi maaaring basta ako mag-asawa," paliwanag ni Luis. "Paano naman ako?.. Tayo?" ibig maiyak ni Wilma. Napatungo si Luis.Naawa siya sa nobya pero wala siyang magawa.
Padabog na tumayo si Wilma.Pigil ang luhang hinarap ang binata.Sa pagkabigla ni Luis ay hinubad ng dalaga ang engagement ring. "Tinatapos ko na ang lahat.Kanya-kanya na tayo!" Labis na dinamdam ng dalaga ang pambabalewala ni Luis sa damdamin.Ang huling nalaman ng binata ay sumama na itong makipag-date sa isang kaopisina na matagal ng may gusto sa babae.Unang pagkakataon mula nang maging magnobyo sila na ginawa iyon ni Wilma.Natakot si Luis.
Maaaring mawala sa kanya si Wilma kapag hindi siya nagdesisyon. Pinuntahan niya ang nobya isang gabi. "Pakasal na tayo," sabi ni Luis ng walang liguy-ligoy. "Hwag mo akong biruin," galit pa rin ang tono ni Wilma. "Seryoso ako.Ayokong sa pagrerebelde mo sa akin ay mapunta ka sa lalaking hindi mo gustO. Ganon lang kadali.Sumunod ay ang pamamanhikan.Ng matapos ang araw na iyon ay naitakda ang kanilang kasal sa unang linggo ng darating na buwan.
Bagamat hindi handa sa pag-aasawa ay naging magaan ang loob ni Luis.Mahal niya si Wilma. Simple lang ang naging pag-iisang dibdib nina Luis at Wilma bagamat lumakad sila sa simbahan. Kahit labag sa loob,pumayag si Wilma na pumisan sa pamilya ni Luis.Dahil walang kahandaan sa pag-aasawa ay walang ipon ang lalaki.Ayaw naman ni Luis na ang kaunting ipon ni Wilma ang kanilang gastusin.Anito ay para sa babae iyon sakaling magkaroon ng emergency. 2 linggo makaraan ang kasal,dumating ang problema.
Isang gabi ay may dumating na 2 lalaki kina Luis. Nalaman nila na nabuntis ng bunsong si Jun ang nobyang si Greta.Ayaw pumayag ng mga magulang ng babae na hindi makasal ang dalawa kaya pinapunta ang mga tiyo nito sa kapwa militar. Gayon na lang ang takot ng mga magulang ni Luis.Baka raw kung ano ang gawin kay Jun. Ilang linggo mula noon,ikinasal si Jun kay Greta. Nagamit ang emergency money ni Wilma,nangutang si Luis sa opisina at nanghiram din sa five-six ang ina nilang si Aling Lolita para hindi mapahiya. "Naku,sukob pala kayo sa taon ng bayaw mo at ngayon kasabay ka pang nagbubuntis ng hipag mo."sabi ni Sonia,kaopisina ni Wilma.Ikinuwento kasi niya sa babae na buntis na siya. "Dapat ay maging handa ka sa mangyayari.Hindi biro ang maging sukob sa taon,"takot na paalala ni Sonia. PUTOL ang maliliit na mga kamay lumalakad. Tila may isip na alam kung saan pupunta. Tumigil ang mga kamay sa tapat ng kama nina Luis at Wilma. Umakyat. Nang tumapat sa tiyan ni Wilma ay tumigil.
Pagkatapos ay dinaklot nito ang tiyan ng babae.Ang matutulis na mga kuko ay bumaon sa tiyan hanggang maabot ang sanggol doon.Ang walang kalaban-labang sanggol ay tinusok ng matutulis na kuko hanggang mapiga at bumulwak ang dugong lumunod dito.Pagkatapos,si Wilma naman ang binalingan,tinusok ang leeg.Sumisigaw na napabalikwas ang sindak na si Wilma,hawak ng 2 kamay ang tiyan.Kapanabay niya halos bumangon si Luis na nahintakutan sa lakas ng tili ng asawa. "May kamay..May kamay!"
habol ang hininga na sambit ni Wilma.Pinayapa ni Luis ang babae pero umurong din ang dila niya nang makita ang bakas ng duguang mga kamay sa damit ng asawa.Isinugod sa ospital si Wilma pero huli na.Namatay si Wilma.Maging ang mga doktor ay hindi maipaliwanag kung ano ang nangyari.Gayon na lang din ang ang gulat nila nang makuha nila ang sanggol dahil pira-piraso ito na parang ginutay ng matulis na kuko.
Walang eksplanasyong makapagbigay ng lohikal na dahilan kung ano ang nangyari sa mag-inang Wilma.Hindi makausap si Luis sa tindi ng trahedyang dumating sa buhay. Lumipas ang mga araw.Isang umaga ay tumawag si Jun sa mga magulang.Isinugod raw si Greta sa ospital at manganganak na.Sumugod sa ospital si Aling Lolita.."Kamusta na si Greta?" salubong ni Aling Lolita ng makita si Jun.."Nasa labor room pa rin ho," nag-aalala ang anyo ng lalaki.
"Natatakot ako,'nay. Bka magaya sya kay Ate Wilma." "Bakit mo naman iniisip yon.Iba ang kaso ni Wilma,iba ang kay Greta." "Paano kung.. Inay,sukob kami sa taon." Natigilan si Aling Lolita.. Maghapon at magdamag ng naghihirap sa pagli-labor si Greta ay tila wala pa rin kasiguruhan kung magsisilang na sya. "Doktora,hirap na hirap na ako," umiiyak na daing ni Greta. "Tulungan mo ako." Sa huli ay nagpasya ang obstetrician nito na i-cesarian ang babae.
Ipinaliwanag ng doktora kay Jun,kay Aling Lolita at sa mga magulang ni Greta na wala na siyang pagpipilian kundi ang operahan si Greta. Anang doktora ay unti-unti nang humihina ang resistensya ng babae dahil sa tagal ng pagli-labor nito.Naging malaking usapan sa ospital na iyon ang panganganak ni Greta. Walang hindi nasindal nang biyakin ang tiyan ng babae at makuha mula roon ang 2 kamay ng isang sanggol na may matutulis na mga kuko.Wala ng buhay ang mga kamay ng kunin ng doktora mula sa tiyan.Si Greta,katulad ni Wilma ay namatay rin matapos manganak. At hanggang ngayon ay malaking palaisipan kung ano ang misteryo ng pagkamatay ng maghipag na ikinasal ng sukob sa taon..
0 comments:
Post a Comment